Malawakang Pagsasaayos ng Linya ng Kuryente, Isinagawa

Nagsagawa ang ORMECO, Inc. ng malawakang pag-aayos ng mga linya noong Hulyo 17, 2020, araw ng biyernes, kasabay ang pagbuhay ng kabubuo lamang na 69 kv transmission line ng NAPOCOR. Ang nasabing aktibidades ay nagsimula sa bayan ng Bansud patungo sa bayan ng Bulalacao na pinangunahan ng mga Engineers mula sa Technical Services Department na sina Engr. Marlon Acuzar, Engr. Ma. Rosario Bacay, Engr. Clark Enriquez, Engr Marjhon Maulion, Engr. Arvin Zamora, Engr. Victorino Isla at Engr. Christian Erick Jugno. Ang pwersa ng ORMECO ay nahati sa 10 grupo upang mapabilis ang pagsasaayos ng mga linya at masiguro na matibay ang pagkakakabit sa mga ito. Para sa kaligtasan ng ating mga Linemen, pansamantalang nagkaroon ng pag kawala ng kuryente sa mga bayan na ginanapan ng naturang mga aktibidades. Ang pangunahing dahilan ng nasabing aktibidades ay upang bigyang daan ang Test Run o Energization ng bagong gawang Bansud-Bulalacao 69KV transmission line ng NAPOCOR, karagdagan pa ang Plant Shutdown ng Mindoro Grid Corporation Roxas ayon na rin sa hiling nito at isa pa ay dahil na rin sa Correction activities na isinagawa sa Bansud Switching Station at Roxas substation. Ang pagsasaayos ng mga linyang ito ay magdudulot ng magandang daloy ng kuryente sa mga bayan na nasa timog na bahagi ng ating lalawigan kung kaya’t inaasahan na mababawasan ang mga hindi inaasahang pagkawala ng kuryente. Ang mga ganitong bayanihan ay naglalayon na mapabuti ang serbisyo ng ORMECO, Inc. at mapaabot ang kuryente sa lahat ng sulok ng ating lalawigan.