
Pre-Membership Seminar

Power Interruption Scheduled

Announcement
Burial Assistance Requirments
Ano ang burial assistance program?
Ito ay benepisyong ipagkakaloob ng ORMECO, Inc. sa mga namatay na member-consumers o kasapi nito.
Ano ang mga layunin ng programang ito?
Makapagkaloob ng nararapat na benepisyo para sa mga kasapi tulad ng burial/financial assistance.
Sino ang may karapatan na makinabang sa Burial Assistance Program ng ORMECO?
Sinumang kasapi ng ORMECO na itinuturing na member of good standing ay may karapatan na makinabang sa Burial Assistance Program ng ORMECO.
Maituturing ang isang member-consumer na good standing kung siya ay:
Walang pagkakautang sa kanyang power bill sa looban ng tatlong buwan;
Hindi kailanman nahuli na nagnanakaw ng kuryente o lumabag sa Republic Act No. 7832 – Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994;
Hindi kailanman natanggal bilang director o empleyado ng ORMECO.
Magkano ang benepisyong matatanggap mula sa ORMECO ng naiwang pamilya ng namatay na kasapi?
Maaring makatanggap ng halagang Limang Libong Piso (PhP5,000.00) ang pamilya ng namatay na kasapi.
Maaari pa rin bang makinabang sa burial assistance kung disconnected ang account at may utang?
Oo, subalit maaaring ibawas ng ORMECO ang halaga ng benepisyo o bahagi nito para maibawas sa pagkakautang sa power bill ng namatay member- consumer.
Sino ang maaaring maging beneficiary ng namatay na kasapi?
Ang mga legal na tagapagmana ng namatay na miyembro batay sa sumusunod na pagkakasunod-sunod :
Legal na asawa; Mga anak; Ang mga Magulang; Kapatid
Anu-ano ang mga kinakailangang isumiteng dokumento para makakuha ng Burial Assistance?
A. Death Certificate
B. Marriage Certificate (kung ang beneficiary ay asawa)
C. Birth Certificate (kung ang beneficiary ay alinman sa sumusunod:
D. Special Power of Attorney (SPA)Children Parents Siblings
E. Valid ID (Claimant / Beneficiary)
F. Any proof of membership of the deceased
G. 1x1 ID Picture (2pcs)ORMECO Power Bill ORMECO Membership ID ORMECO Membership Certificate / OR
H. Latest Cedula
Paano mag-a-apply para makakuha ng burial assistance?
Magsadya lamang sa ORMECO Main Office, Brgy. Sta. Isabel, Calapan City o sa District Office na nakakasakop sa inyong lugar dala ang lahat ng mga kinakailangang dokumento at mag-fill-up ng application form. Ang lahat ng aplikasyon ay ipo-proseso ng ISD-MSD at siyang magbibigay ng abiso kung kalian at saan maaring makuha ang naturang benepisyo