Republic Act 7832

(Alinsunod sa Republic Act No. 7832, "Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994", na nagkabisa noong Enero 16, 1995). Ang ILEGAL na PAGGAMIT o PAGNANAKAW ng KURYENTE ay may mabigat na KAPARUSAHAN gaya ng mga sumusunod:


  • Para sa di-awtorisadong paggalaw o pagbukas ng metro (tampering of electric meter) at paggamit ng anumang koneksyon upang nakawin ang kuryente.

  • PRISON MAYOR - pagkabilanggo mula 6 years and 1 day hanggang 12 years
  • MULTA (Fine) - mula P10,000 hanggang P20,000, o magkasamang pataw ng mga nabangit.

  • KAUKULANG SINGGIL NG KOOPERATIBA


  • BALIK-KWENTA (Differential Billing) - hanggang 5 taon na kaukulang kwenta ng ninakaw na kuryente.
  • DAGDAG SINGIL (Surcharge) - hanggang 100% batay sa kasalukuyang buwanang konsumo ng kuryente.

  • Para sa pagnanakaw ng mga kawad/materyales ng kuryente (electric power transmission lines/materials).

  • RECLUSION TEMPORAL - pagkabilanggo ng 12 years and 1day - 20 years, o MULTA (Fine) - mula P50,000 hanggang P100,000, o magkasamang pataw ng mga naturan.

  • Ang kooperatiba ay may layang makapagsagawa ng anumang hakbang tungo sa pagpapatupad ng mga nabanggit na kaparusahan ayon sa alituntunin ng bagong batas na sadyang itinakda upang mapangalagaan ang kapakanan ng kumpanyang pang-elektrisidad sampu ng pangkalahatang kasapian/kamay-ari ng kooperatiba.