Isinagawa ang Defensive Driving and Motor Vehicle Maintenance Seminar sa pamamagitan ng ORMECO HR noong 30 Hunyo 2022. Ito ay dinaluhan ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento na ang tungkulin sa kanilang mga trabaho ay may kaugnayan sa pag mamaneho ng sasakyan at pagmementena ng mga ito. Ang seminar na ito ay pinangunahan ng tagapagsalita mula sa Technical Education and Skills Development Authority na si Senior TESDA Specialist Mr. Reynaldo M. Hernandez. Tinalakay niya ang mga mahahalagang paksa hingil sa mga Batas Trapiko. Nagbigay din siya ng mga impormasyon sa tamang pag-uugali at kortesiya sa kalsada kasama na din dito ang mga maaring maging violation at multa sa mga hindi sumunod sa mga itinakdang batas trapiko.